Villar

Willie nananatiling kaibigan ng Villar family — Rep. Camille

April 27, 2024 Ian F. Fariñas 185 views

Kahit umalis sa AllTV si Willie Revillame at lumipat sa TV5, ayon kay Las Piñas Congresswoman Camille Villar, nananatili itong mabuting kaibigan sa Villar family.

“We’re very, very happy for Willie. He always has a home with us and he’s all our very, very good friend, so parang we’re just very happy about all the things that are going on in his life,” pahayag ni Rep. Camille sa lunch tsikahan with the entertainment press na ginanap kahapon sa Brittany Hotel sa BGC, Taguig.

Kung anuman ang nangyari, magkaibigan pa rin sila at may posibilidad pa rin na magkasama sila.

“There’s still possibilities of working together, so parang hindi naman ‘yun ‘yung parang hindi na magwo-work together or anything like that. So, we’re very, very open and he’s a very, very good friend and we look forward to working together naman,” she said.

Masaya rin ang unica hija ni former Senator Manny Villar sa collaboration ng ABS-CBN Corporation at Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

“We’re very, very happy about the different partnerships that we began to form in AllTV. So now, we have collaborations with different companies, the most recent one, with ABS-CBN, so we’re very happy about that partnership. We’re very excited and we hope that mas maraming… that a lot of good things can come out of the partnership. We’re very, very hopeful,” she said.

Matatandaan na naging TV host din si Camille ng Will Time Big Time at Wowowillie noong 2012 at 2013 kaya natanong siya kung may plano pa ba siyang bumalik sa telebisyon.

“I’m not sure yet. I wouldn’t say no, but I’m not sure yet. Kailangang magpapayat tayo,” natatawa niyang sabi.

“Never say never” na lang daw ang drama niya tungkol dito although sa ngayon ay wala pa namang plano talaga.

Natanong din kung ano ang political plans niya sa 2025 elections. Aniya, wala pang definite plans pero open ang lahat ng options niya.

She still has one more term left bilang Las Piñas representative kaya pwede siyang reelectionist o pwede ring sa ibang posisyon gaya ng senador.

AUTHOR PROFILE