Kim

KIM BINIGYAN NG MATINDING B-DAY TRIBUTE NG ‘SHOWTIME’ FAMILY

April 27, 2024 Vinia Vivar 137 views

Isang matinding birthday tribute ang ibinigay kay Kim Chiu ng kanyang It’s Showtime family sa live airing ng noontime show kahapon.

Isa-isa siyang binigyan ng birthday message ng lahat ng co-hosts at special guests tulad nina Bela Padilla, Kaladkaren at Ate Kam Chiu ni Kim na sinurpresa ang aktres ng isang production number.

Nang nagbibigay na ng birthday message ang mga co-host niya ay nagsimula nang maging emosyonal ni Kim.

Nagsimulang mapaiyak si Kim sa message ni Vhong Navarro, na naging emosyonal din habang sinasabi na noong time na down siya ay laging nandiyan si Kimmy at hindi siya iniwan.

Na-touch din ang Chinita Princess sa sinabi ni Anne Curtis na bukod kay Ate Lakam ni Kim ay naririto rin siya para maging ate ng new-found sister.

Wagas din ang pagluha ni Kim sa birthday message ni Vice Ganda.

“Mahal na mahal kita,” ani Vice. “Hangga’t kaya ko, ipaparamdam ko sa ‘yo ‘yun. Gusto kong maramdaman mo na minamahal ka kasi masarap sa pakiramdam ‘yun, eh. Gusto ko, maramdaman mo ‘yung pakiramdam na ‘yun ulit. At hindi matatapos na nararamdaman mo ‘yun, na minamahal ka. Kasi kamahal-mahal ka. At mahal kita talaga.”

Anyway, marami naman ang natuwa sa sinabi ni Bela na very happy si Kim ngayon.

“Sobrang saya ni Kim Chiu right now,” ani Bela.

“Happy si Kim, she’s blessed, she’s driving, naks!” sabi pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE