Sofia2

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 28, 2024 People's Tonight 109 views

SofiaSofia1Sofia3Sofia4BAGO pa man maging bituin ng TikTok at iba pang social media platform, nagniningning na ang pangalan ni Sofia David sa ibang porma ng content creation at industriya ng entertainment.

Hindi pa karamihan ang followers ni Sofia sa TikTok dahil kagagawa pa lamang ng kanyang account na @sofiaaadavi, pero nag-uumapaw na agad ang kanyang contents na ibinibida sa netizens. Nariyan nga ang kanyang pagli-lip sync sa mga kilalang musika ng nasabing app. Angat ang kanyang karisma sa pag-awra at minsanang pagsayaw sa mga video.

Sa Instagram naman niyang @_sofiadavid, mapapansing kilalang-kilala na siya ng kanyang higit 165 thousand followers. Pasabog ang mga sexy photoshoot ng social media personality, talagang napapalabas niya ang makamandag na alindog ng isang bombshell.

Bukod sa kanyang bikini lifestyle, todo-share rin si Sofia sa kanyang umaagos na endorsement at partnerships.

Ang kanyang pagiging star ay hindi lamang limitado sa social media na madalas nating gamitin, sa katunayan si Sofia ay isa ring Vivamax actress na naipamalas na ang husay sa pag-arte sa ilang proyekto.

AUTHOR PROFILE