Zeinab

ZEINAB, KA-KUWADRA NA NINA JENNYLYN AT BEAUTY

April 19, 2023 Vinia Vivar 252 views

Tuluyan nang pumalaot sa pag-aartista si Zeinab Harake at nasa pangangalaga na siya ngayon ng Aguila Entertainment nina Becky Aguila, Katrina Aguila at Jan Enriquez.

Good move naman for Zeinab na mag-cross over dahil may “K” siyang mag-artista given her good looks.

Wise decision din na sa Aguila Entertainment siya magpa-manage dahil mas maaalagaan siya ng naturang management na siya ring nagha-handle sa careers nina Jennylyn Mercado, Beauty Gonzalez, Nikko Natividad and Mikoy Morales, among others.

Nakatakdang magkaroon ng mediacon ang Aguila Entertainment sa Mayo para opisyal na i-welcome si Zeinab sa pamilya.

Samantala, maingay ngayon ang Aguila Entertainment. Bukod kay Beauty na umaariba ang career, maganda rin ang takbo ang careers nina Nikko at Mikoy.

Siyempre, inaabangan din ang comeback ni Jennylyn na naging Ultimate Star dahil sa halos 20 years na pangangalaga ni Tita Becky. Looks like maganda ang tandem ni Kat at ng bagong co-manager nilang si Jan.

AUTHOR PROFILE