Bonney

R’Bonney gumala sa Divisoria

April 28, 2024 Aster Amoyo 79 views

PAGKATAPOS ng kanyang bakasyon sa Bohol, gumala naman sa Divisoria sa Maynila si former Miss Universe R’Bonney Gabriel.

Sa kanyang Instagram post, makikitang sumakay ng tricycle ang beauty queen at sinubukang tumawad sa pagbili ng mga tela sa isang tindahan.

“Practiced my tawad, battled the heat, and fought the urge to buy all the fabrics in Divisoria,” caption pa niya.

Nag-throwback nga ang Fil-American beauty na pumupunta siya sa Divisoria noong bata pa siya.

“I actually used to come here a lot when I was a kid. I always remember coming to buy like Juicy Couture purses and different clothing,” pa-reveal pa ni R’Bonney.

Si R’Bonney ang magiging host of this year’s Miss Universe Philippines coronation night on May 22 sa Mall of Asia Arena in Pasay City.

Barbie full support sa kalagayan David

FULL support si Barbie Forteza para sa pagdadaanan na surgery ng kanyang Pulang Araw co-star na si David Licauco para sa sleep apnea.

Nakatakdang sumailalim sa radiofrequency ablation ang aktor sa katapusan ng buwan.

Sa interview sa 24 Oras, inihayag ni Barbie ang kanyang kahilingan na maging maganda ang resulta ng nalalapit na operasyon ni David.

“I’m hoping for his improvement para hindi na rin siya gaanong ma-challenge when it comes to working late or having to wake up early,” sabi ng aktres.

Samantala, hindi na rin umano makapaghintay ang tinaguriang Pambansang Ginoo na maging okay siya matapos ang surgery. Ayon sa aktor ay naaapektuhan na nito ang kanyang personal na buhay at mental health.

“I just want to do it. I just want it to be over, again, to live my best life,” sey ni David.

Noong 2023 nang aminin ni David ang kondisyon niyang sleep apnea sa publiko. Ayon sa aktor, nagsimula ito noong 16 years old siya, at nagtuluy-tuloy na hanggang kasalukuyan.

Darren maayos na ang relasyon kina Cassy at Kyline

MAAYOS raw ang relasyon ngayon ni Darren Espanto sa Sparkle actresses na sina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara.

“I’m okay with both of them naman po. I’m friends with both of them at saka napanood din naman nila ‘yung interview ko sa Fast Talk with Boy Abunda.”

Inamin ni Darren ang naging past romantic relationship nila ni Kyline. Ayon sa Filipino-Canadian artist, nagkaroon sila ng “puppy love kind of thing” at nagtagal ang kanilang relasyon ng isa’t kalahating taon.

Bukod dito, nilinaw ni Darren na hindi sila magkaaway ng kanyang bestfriend na si Cassy Legaspi. Ipinaliwanag ni Darren na siya mismo ay nabigla sa mga kumalat na balita tungkol sa kanila ni Cassy.

Ito ay matapos niyang linawin sa isang panayam na mag-bestfriend lamang sila ng Kapuso actress-host.

Bukas naman daw si Darren na makatrabaho sina Cassy at Kyline sa future projects.

“Yeah, of course. Wala ng imposible. So ang dami nang pwedeng maging collaborations. And I’ve already done a movie with Cassy at saka sa music video with Kyline. So malay po natin.”

AUTHOR PROFILE