Paulo

Paulo ayaw umamin kung single o may nililigawan

April 28, 2024 Vinia Vivar 71 views

Ayon kay Paulo Avelino, ngayon lang siya nagkaroon ng loveteam dahil for the longest time nga ay nakilala siya bilang isang solo actor.

Kaya naman amazed na amazed siya sa paghi-hit ng tambalan nila ni Kim Chiu at sa rami ng kanilang mga tagahanga.

“Iba pa rin ‘pag pinagtatambal,” sey ni Paulo sa vlog ni Luis Manzano. “Parang ‘pag pinagtatambal ‘yung dalawang artista na may chemistry, of course, the fans keep rooting for them to be together in real life. Parang ang daming mga ano, eh.

“But ako naman, in my case, sinubukan ko talagang iwasan for the longest time because I really wanted to grow as an actor and I really wanted to study everything behind, sa likod ng camera.”

Una silang nagkasama ni Kim sa Linlang at aminado si Paulo na hindi nila in-expect na mamahalin ng tao ang kanilang tandem dahil sa serye ay magkaaway nga ang mga karakter nila at kakaunti nga lang ang kilig moments.

Kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa mga tumatangkilik sa KimPau loveteam.

“I’m very appreciative,” aniya. “For them to keep on posting, keep on editing stuff, to keep on tweeting that take time and effort, and I appreciate time and effort,” aniya.

Anyway, sa dulo ng vlog ay naglaro si Paulo ng “shot or pass” kung saan ay tinanong siya ng ilang katanungan na ‘pag hindi niya kayang sagutin ay magsi-sip siya ng wine.

Sa tanong kung single ba siya ngayon ay hindi ito sinagot ni Pau at nag-shot na lang ng alak.

Sumunod na tanong ay kung may nililigawan ba siya ngayon at shot din ng alak ang sagot niya.

AUTHOR PROFILE