Alex

Alex feeling na-betray ni Mikee

April 28, 2024 Vinia Vivar 90 views

Sa kanyang latest vlog ay ni-reveal ni Alex Gonzaga na nagkaroon sila ng malaking problema ng asawang si Mikee Morada recently.

“Recently, we faced a… for me it’s major problem. Bakit nga parang iyon ‘yung na-consider natin na mabigat?” tanong ni Alex sa asawa.

“Ewan ko sa ‘yo,” natatawa namang sagot ni Mikee.

Hindi na tinukoy pa ni Alex kung ano ang naging problema nila pero hindi umano ito ‘yung recent miscarriage niya.

“Kasi, ‘yung miscarriage naman, hindi naman kasi ‘yun controlled natin. Parang it happened and then, we accepted it right away kasi alam natin na hindi natin kontrol ‘yun.

“What happened recently was may kontrol tayo pero hindi natin… partly feeling ko, mali rin ako nu’n because I let you. Hindi ko… may instinct ako pero hinayahayaan kita,” sabi ni Alex sa mister.

Tanong pa niya kay Mikee, “So, anong natutunan mo du’n sa nangyari sa atin? Feeling mo, maghihiwalay tayo nu’n?”

Sagot naman ng asawa niya, “Hindi.”

Sabi ni Alex, “Ako siguro, parang dahil first time natin na-experience ‘yung ganu’ng klaseng problema na feeling ko na-betray ako.”

Nakikinig lang naman si Mikee sa misis at kain nang kain.

“So, feeling ko, major siya, nasaktan talaga ako na feeling ko dapat… parang hindi ko alam kung paano magmu-move forward. But na-realize ko na isa pa lang ‘to, ito pa lang ang una nating hardship so, hindi ako dapat mag-give-up. Hindi tayo dapat mag-give-up.”

Inamin naman ni Mikee na may pagkakamali siya pero confident siya na hindi na ito mauulit.

Ayon pa kay Alex, maliit lang tingnan sa labas ang kanilang naging problema pero ang impact nito sa kanya ay hindi niya akalaing magagawa ito ng kanyang mister.

Well, kung anuman ‘yun, it’s good to know na okay na silang mag-asawa ngayon.

AUTHOR PROFILE