Posas

TUROK DROGA BAGO GAHASA

March 9, 2024 Edd Reyes 243 views

NAILIGTAS ng pulisya ang 23-anyos na babaeng Koreana sa kamay ng kanyang kababayan na gumagahasa sa kanya sa condominium noong Sabado sa Pasay City.

Nadatnan ng mga tauhan ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Pasay police ang biktimang si alyas “Minjeong” at ang 41-anyos na suspek sa Okada Hotel sa Parañaque City dakong alas-6:30 ng umaga.

Sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, ni-rescue ang babae nang humingi ng tulong ang ama niya sa Korean Embassy, matapos malamang tinuturukan ng droga ang kanyang anak at ginagahasa ng kababayan sa S Residence sa Pearl Drive, Macapagal Avenue.

Nakasaad sa report ni P/MSg. Alma Dela Cruz ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Pasay police na nakakumpiska ang pulisya sa loob ng unit ng biktima ng 19 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P129,200, 17 gramo ng cocaine na may halagang P110,500 at isang improvised glass tube pipe na ginagamit ng suspek bilang tooter.

AUTHOR PROFILE