Default Thumbnail

Tumatawid sinalpok tepok

December 26, 2023 Melnie Ragasa-limena 142 views

TEPOK ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang masalpok nang humahagibis na motorsiklo habang tumatawid sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Martes.

Nakasuot ng black t-shirt at black short na may red line ang biktima.

Nasa ospital din ang rider ng Honda CBR (5202RG) na si John Paul Ecos Mangiral, 25, ng Block 4 A Lot 24 Dalandan St., Cristian Camararin Calookan City sa East Avenue Medical.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Commonwealth Ave., northbound lane sa harap ng Wilcon Depot, sa Bgry. Old Balara, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Lucio N Caspe ng Sector 5, tumatawid ang biktima nang sumulpot ang rider ng honda CBR motorcycle galing elliptical Road, patungong Fairview.

Hindi na nagawa pang makapag-preno ng rider at nasalpok ang biktima na tumilapon ng may ilang metro sa kalsada at agad na nasawi.

Sa lakas ng impak ay tumilapon din mula sa kaniyang motorsiklo at nahulog sa gilid ng kalsada ang rider.