Mupas IKAW NA NGA–Kinilala ni P/Lt. Col. Roberto Mupas ang suspek matapos na matimbog habang nagsusugal at may bitbit na baril sa Binondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

3 laglag dahil sa sugal, boga, droga

May 27, 2024 Jonjon Reyes 211 views

HULI ang dalawang lalaki habang nagsusugal ng cara ‘y cruz at pagdadala ng sumpak ng mga operatiba ng Manila Police District-Meisic Police Station 11 sa panulukan ng Muelle Del Banco Nacional at Tomas Pinpin sa Binondo, Manila noong Lunes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng MPD-Binondo Meisic Police Station 11 ang suspek na si alyas Keiff, 32.

Bandang alas-2:30 ng hapon nang mamataan ang grupo ng tricycle boys sa lugar nabanggit.

Nagpulasan ang mga nagsusugal hanggang sa nakorner ang suspek at makitaan ang isa sa dalawang lalaki na armado ng sumpak na may isang bala.

Dahil dito ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz) at RA 10591 (An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Samantala, hindi na nakapalag ang isang 32-anyos na lalaki ng arestuhin dahil sa iligal na droga sa Maysilo Circle, Mandaluyong City noong Sabado.

Nakilala ang suspek sa pangalang Mike Aj.

Ayon sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-4:30 ng hapon ng arestuhin ang binata sa naturang lugar.

AUTHOR PROFILE