Hapones Source: Bureau of Immigration

BI nakatakdang ideport Hapones

May 27, 2024 Jun I. Legaspi 117 views

NAKATAKDANG ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Hapones na wanted sa Tokyo dahil sa kasong theft and robbery.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26-anyos na naaresto noong Sabado sa Estrella Avenue sa Bgy. Poblacion, Makati City.

Pinagbatayan ng pag-aresto sa dayuhan ang kahilingan ng Japanese authorities na nasa bansa at ipinaalam sa BI ang pananatili nito sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Tansingco na ipapabalik na sa Tokyo ang suspect makaraang ipag-utosa n arin ng BI ang expulsion sa kanya noong 2022.

“He was already placed in our immigration blacklist of undesirable aliens, thus he is perpetually barred from reentering the Philippines,” saad ni Tansingco.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, nagtago sa bansa si Hiroki simula noong November 20, 2019 nang dumating sa bansa bilang turista.

Subalit noong 2022 lamang ipinaalam sa BI ang kaso nito sa Japan.

Nang matanggap ang impormasyon, agad nagsagawa ng manhunt laban kay t Hiroki, gayundin sa mga kasabwat nito sa ‘Luffy’ scheme.

Nabatid na si Hirokiay may standing warrant of arrest na inilabas ng Tokyo Summary Court sa kasong theft na paglabag sa Japanese penal code.

Nakipagsabwatan umano ang suspek sa isa pang kasabwat sa pagnanakaw sa isang bahay sa pamamagitan ng pagpanggap na police officer at sinabing kailangang imbestigahan ang tahanan.

“Further, he is being investigated by the Japanese authorities for his involvement in alleged telecommunications fraud activities,” saad pa ni Sy.

Nakadetine ngayon ang pugante sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang patuloy ang deportation proceedings.

AUTHOR PROFILE