Drugs Ganito yan,.Ipinahayag ni Police Lt.Col.Roberto Mupas (kaliwa sa taas) na matagal na nilang under surveillance ang dalaga sa ginagawa nitong pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang AOR, at dito nga natyempuhan ng mga operatiba ng MPD Binondo PS.11 na nagresulta sa pagkaka aresto sa suspek,.

DALAWANG DALAGA TIMBOG SA 25 GRAMO NG SHABU SA BUYBUST OPERATION

May 28, 2024 Jonjon Reyes 181 views

TIMBOG ang isang 29 anyos na lalaki sa ikinasang buybust operation ang umano’y tulak ng iligal na droga, kasama ang kasabwat nito,sa Roman Street malapit sa panulukan ng C.M Recto Avenue sa Binondo,Manila, martes ng madaling araw

Inaresto sa paglabag sa Republic Act 9165 at tinatayang nasa 25 gramong hinihinalang shabu,bandang 3:00 ng madaling araw sa naturang lugar sa Barangay 293 Zone 28 sa Binondo.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas hepe ng MPD Binondo Meisic Police Station.11 ang naarestong suspek na si alyas “Japok” 29,Dalaga ng Parola Comp.Tondo Maynila..

Ayon sa report ni Police Lt.Marvin Flores ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) isa sa mga target ang binabantayan ng mga operatiba sa kanilang nasasakupang lugar sa Binondo Manila..

Samantala,damay din ang umano’y kasabwat ng suspek na si alyas ” Lineng” 31 anyos, dalaga,saleslady ng Tondo.

Dahil dito agad na nagkasa ng isang buybust operation ang mga kapulisan matapos na itawag sa kanila ng ng isang ” Asset” na naroron sa lugar ang suspek at di umanoy may nagaganap na bentahan ng Droga ,kaya’t sa pamamagitan ng isang Marked money sa halagang P500.00 nag pangap na isang poseur buyer ang isa sa mga operatiba na nagresulta sa pagkaka timbog ng dalawang Dalaga..

gayunman ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs at Section 11 Possession of Dangerous Drugs, Article II, ng RA 9165) matapos makuha ang 25 gramong Shabu na,katumbas sa halagang P170,000.00.

AUTHOR PROFILE