Default Thumbnail

Top 4 most wanted person sa Bicol Region arestado

January 22, 2023 Zaida I. Delos Reyes 284 views

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP)- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang operasyon sa ilalim ng Oplan Pagtugis ang top 4 most wanted person sa Bicol Region.

Kinilala ni PBGen. Romeo M.Caramat ang naaresto na si Mark Jovelle Timajo Olalo alias Jovelle, nasa hustong gulang at nahaharap sa tatlong kaso ng rape sa Catanduanes.

Ang suspect ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Genie G. Gapas-Agnada, presiding judge ng 5th Judicial Region , RTC Branch 42, nitong December 16, 2022.

Walang kaukulang piyansang inilabas ang korte kapalit ng pansamantalang kalayaan ng suspect.

Bukod sa kasong rape, may standing warrant of arrest din ang suspect sa kaso f statutory rape at paglabag sa Sec. 4(a) ng RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009).

Sa kasong statutory rape, no bail ang rekomendasyon ng korte habang P42,000,00 bail naman ang hinihinging bail ng korte para sa kasong paglabag sa RA 9995.

Sa kasalukuyan, ang suspect ay nasa kustodiya na ng awtoridad habang hinihintay ang commitment order.

Pinuri naman ni Caramat ang kanyang mga tauhan na nasa likod ng mayagumpay na operasyon.

“I commend the dedication and courage of the operatives for a successfully conducted operation against wanted individuals. We will continue our commitment to apprehend all those wanted by our law and bring them to our court,” pahayag ni Caramat.