Maja

Balita ng panganganak ni Maja fake news

May 2, 2024 Vinia Vivar 150 views

Nilinaw ni Maja Salvador na fake news ang balitang nanganak na siya sa first baby nila ni Rambo Nuñez.

Kalat na kalat kasi ngayon internet ang nasabing balita kaya naalarma na ang aktres at nagsalita sa kanyang Instagram Broadcast Channel.

Ayon kay Maja, na kasalukuyang nasa Canada, marami ang nagtatawagan sa kanya dahil sa fake news.

“Some of my friends and family are getting confused because someone shared fake news saying I already gave birth,” aniya.

“Just to clarify, this is my latest ultrasound showing that my baby girl hasn’t arrived yet! Thank you!” paglilinaw ng aktres.

Hindi sinabi ni Maja kung kailan ba talaga ang due date niya, pero sa post niya last week ay sinabi niyang nasa third trimester na siya ng pregnancy kaya malapit-lapit na rin siyang manganak.

AUTHOR PROFILE