Ogie

Ogie wish pa ring magkatuluyan sina Bea at Dominic… haharapin ang demanda sa ‘tamang panahon’

May 2, 2024 Vinia Vivar 153 views

Nagbigay na ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay ng isinampang cyber libel case sa kanya ni Bea Alonzo kanina.

Sa kanyang Facebok Story or My Day ay sinabi ni Ogie na sasagutin niya sa tamang panahon ang naturang demanda at humingi ng dispensa sa mga reporter na tumatawag sa kanya para kunin ang kanyang pahayag.

“Pasensiya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report. Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo,” ani Ogie.

“Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon,” aniya pa na ang ibig sabihin marahil ay ang kopya ng reklamong isinampa ni Bea.

Gayunpaman ay sinabi ng talent manager/vlogger na gusto pa rin niyang magkatuluyan si Bea at ang ex-fiancé niyang si Dominic Roque.

“Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastic. Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending (smiling face with heart-eyes emojis),” sey ni Ogie.

Kahapon ay dumulog sa Quezon City Prosecutor’s Office si Bea para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel laban kay Ogie at kay Cristy Fermin.

AUTHOR PROFILE