Default Thumbnail

Mag-asawa timbog sa droga

January 22, 2023 Zaida I. Delos Reyes 265 views

ARESTADO ang mag-asawang pinaghihinalaang drug dealer habang aabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP) Huwebes ng gabi sa Naga City.

Ayon sa ulat mula sa Police Regional Office (PRO)5, ang mag-asawa ay nadakipsa isang buy bust operation dakong 9:11 ng gabo sa Diversion Road, Zone 5, Brgy. Tabuco, Naga City.

Hindi na nakapalag ang mag-asawa nang dakpin sila ng mga pulis matapos magbenta umano ng P1.1 milyong halaga ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang tinatayang 2,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000, isang .9mm pistol na may magazine at apat na rounds ng bala at isang P500 bill na buy-bust money.

Ang mga suspect at ang nakumpiskang illegal na droga ay nasa kustodiya ng Police Station 5 ng Naga City Police Office para sa kaukulang disposisyon.