Suspek HULI–Hindi na nakapalag ang suspek matapos makorner ng mga operatiba ng MPD dahil sa kasong frustrated murder.

Lalaki nasakote sa frustrated murder

May 2, 2024 Jonjon Reyes 124 views

HINDI na magawang makapanlaban ang isang 41-anyos na lalaki makarang arestuhin sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Martes dahil sa frustrated murder.

Nakilala ang suspek na si alyas Rolan na residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni Police Major Kevin Rey Bautista, assistant chief ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, bandang alas-5:00 ng hapon ng maaresto ang suspek.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE