Default Thumbnail

2 nalambat sa pag aalok online ng mga bata for sex

May 17, 2024 Jonjon Reyes 158 views

ARESTADO ang dalawang suspek sa prostitusyon sa entrapment ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI- HTRAD) sa Binan,Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Maria Jorgia Gadiano Yalong at Princess Anne Custodio na nahaharap sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Sangkot ang dalawa sa pagpapatakbo ng The Exodus Road, isang website sa FB na nag-aalok ng menor de edad at nasa hustong gulang na babae para sa sexual services kapalit ng P4,500 bawat acceptance fee.

Nagsagawa ng entrapment ang mga NBI agents at nagtakda ng meet up ang Exodus sa suspek na si Gadiano para sa sexual services-stag party.

Nagtungo ang NBI-HTRAD at Exodus sa lokasyon ng stag party sa resort sa Binan, Laguna kung saan may kasamang tatlong babae si Gadiano.

Isa rito ang suspek na si Custodio na agad ding umalis para sunduin ang lima pang mga babae.

Nang dumating, nagbigay ng hudyat ang poseur-client sa kanilang team para maaresto ang dalawang suspek.

Nagresulta rin sa pagsagip sa 7 biktima kabilang ang anim na minors base sa dental examination.

AUTHOR PROFILE