Suspek

Binatilyo, 18, arestado sa gahasa ng dalagita, 13

May 3, 2024 Jonjon Reyes 69 views
Police
RAPE KASO MO BATA–Kinakausap ni Police Lt. Col. Nelson Cortez ang suspek matapos na maaresto ng mga operatiba dahil sa statutory rape.

HINULI ng mga pulis ng Manila Police District Malate police station 9 ang 18- anyos na binatilyo na suspek sa statutory rape sa Paco, Maynila noong Abril 30 dahil sa panghahalay sa 13-anyos na dalagita.

Kasong paglabag sa Republic Act 11648 (statutory rape) at RA 7610 (child abuse) ang isinampa sa suspek na si alyas Allan, grade 11 student ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander ng station 9, bandang alas-10:00 ng gabi ng mahuli ang suspek ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct.

Una rito, isang grade 8 student kasama ang pitong menor de edad ang kasama sa inuman ng suspek.

Matapos makaubos ng ilang boteng alak, nalasing ang biktima at ang mga menor-de-edad.

Napaidlip ang dalagita at ng maalimpungatan, nakita niya ang binatilyo na naka ibabaw na sa kanya at nakalilis ang damit pang ibaba nito.

Nag-iiyak ang dalagita na mabilis na umalis sa kanyang kinaroroonan.

Agad pumunta ang ina ng biktima sa tanggapan ng station 9 para mag sumbong. Dahil dito, dakong alas-8:00 ng gabi ng arestuhin ang suspek.

AUTHOR PROFILE