Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna

Mayor Honey nagdiwang ng kaarawan kasama mga elderly

May 3, 2024 Edd Reyes 112 views

IPINAGDIWANG ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang kanyang 59th birthday noong Biyernes sa San Andres Sports Complex kasama ang mga senior citizen na may birthday noong May 1.

Sa Mayo 6 pa ang birthday ng mayor pero pinili niyang makapiling ang mga matatanda na isinilang ng Mayo 1 dahil nakasama niya last year ang mga senior citizens na isinilang din ng Mayo 6.

Mahigit 600 ang mga matatanda sa Maynila na Mayo 1 ang birthday pero hindi na kayang magtungo sa lugar at nakaratay ang iba kaya’t 284 lang ang mga nakadalo sa okasyon.

“Alam n’yo ba kung bakit ko ito ginagawa? Kasi next year senior citizen na rin ako, ka-tropa ko na kayo,” pahayag ni Mayor Honey.

“Pero sabi nila, hindi magandang i-celebrate yung number na may “ty-nine”, so sixty na ko ngayong araw na ito, senior citizen na ako,” dagdag pa ng alkalde.

Lahat ng mga dumalo binigyan ng tig-isang cake ng alkalde, isinali sa mga parlor games na para lang sa matatanda na may premyong cash.

Masaya ring ibinalita ni Mayor Honey na tatanggapin na ngayong Mayo ng mga senior citizen ang kanilang P2,000 buwanang allowance na kumakatawan mula Enero hanggang Abril.

AUTHOR PROFILE