Bigas File photo ni JONJON C. REYES

PBBM: May solusyon na laban sa mahal na bigas

May 17, 2024 Chona Yu 96 views

MAY mabisang solusyon na ang pamahalaan laban sa mahal na bigas dahil nagkasundo na ang mga senador at kongresista ukol sa pag-aangkat ng bigas ng national government, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ambush interview sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na: “I don’t want to preempt the bicameral committee, but I think we have found the solution already.”

“The mechanism will be different from that which is proposed but in the end, and net effect pareho pa rin, makakapag-import ang national government,” dagdag ng Pangulo.

Pursigido pa rin si Pangulong Marcos na sertipikahang urgent ang panukalang amendments sa Rice Tariffication Law.

“Pagka mataas ang presyo ng bigas, magbibitaw tayo ng bigas, magbebenta tayo ng mababa para sumunod ang merkado,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi niya tinukoy kung anong ahensya ng pamahalaan ang papayagan na mag-angkat ng bigas.

“Syempre, nakikipag-ugnayan tayo and I think we may have found the solution and nakikita natin that we will be immediately able to bring down the price of rice,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE