Cedric I RETREAT, I SURRENDER–Ang kapwa akusado ni Cedric Lee na si Ferdinand Guerrero matapos sunduin ni NBI Director Menardo de Lemos sa Makati.

Co-accused ni Cedric Lee sumuko sa NBI

May 17, 2024 Jonjon Reyes 114 views

SUMUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kaso ni Cedric Lee na si Ferdinand Guerrero noong Huwebes.

Pasado ala-1:00 ng hapon ng sunduin ni NBI Director Menardo de Lemos si Guerrero sa Makati City.

Umaasa ang akusado na uusad ng maayos ang kanilang kaso na kinakaharap.

Ayon sa abogado ni Guerrero, maghahain sila ng iba’t-ibang mosyon dahil ssa medical condition ng kanyang kliyente.

Nakatutok ang medical staff ng NBI habang sumasailalim sa medical procedures ang sumuko para makita ang health condition niya.

Co-accused ni Lee, Deniece Cornejo at iba pang respondents kaugnay sa serious illegal detention complaint na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

AUTHOR PROFILE