Posas

´Nabigong pagpatay´ nabuking, kelot timbog

May 2, 2024 Jonjon Reyes 80 views

NATIKLO ng mga miyembro ng Manila Police District ang 41-anyos na suspek sa frustrated murder sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Maynila noong Martes.

Nakilala ang suspek na si alyas Rolan na residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni Police Major Kevin Rey Bautista, assistant chief ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng MPD, bandang alas-5:00 ng hapon naaresto ang suspek.

Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Lucia Purungganan, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 30 ng Maynila.

Inirekomenda ng korte na dapat siyang magpiyansa ng P200,000 kapalit ng pansamantalang paglaya.

AUTHOR PROFILE