Aradave Ara Mina at Dave Almarinez

Ara suportado si Dave sa PeekUp

May 2, 2024 Eugene E. Asis 231 views

BAGAMA’T hindi siya ang bida, todo ang suporta ng actress-entrepreneur na si Ara Mina sa kanyang mister na si Dave Almarinez nang maglunsad ito ng isang ride hailing app, ang PeekUp sa SM Megamall Fashion Hall noong Martes.

Hosted by DJ Sam and DJ Jaiho, nagkaroon ng todo hataw na dance numbers na may kasamang acrobatic moves, bago umawit ang mga performer na pinangungunahan mismo ni Ara, kasama sina Bugoy Drilon, Cristine Reyes, at main guest na si Paulo Avelino.

Star-studded din ang naturang event mula sa mga sikat na influencers tulad ng Gueco twins at mga kaibigang artista ni Ara tulad ni Jeric Raval, Ketchup Eusebio, Gillian Vicencio, at iba pa.

Ayon kay Dave, “Nabuo ang PeekUp kasi kailangan ng mga Pilipino ng mas magandang ride hailing services.”

Binigyang punto niya ang kahalagahan ng customer satisfaction, at siniguro niyang 100% Filipino ang pagmamay-ari ng naturang ride hailing app.

AUTHOR PROFILE