Icecream Christy Imperial at Candy Veloso

‘Dirty Ice Cream’ mas paiinitin pa ang summer

May 2, 2024 Eugene E. Asis 419 views

DALAWANG hot sorbeteros ang magpapainit lalo ng summer sa “Dirty Ice Cream”, isang sexy heist movie na mapapanood sa Vivamax streaming app mula sa direksyon ng ABS-CBN director na si Mervyn Brondial simula May 10, 2024.

Ginagampanan nina Ghion Espinosa at Seonwoo Kim ang papel ng mga sexy sorbeteros na sina Junebert at Monch, na magiging “objects of desire” ng mga kasambahay at maybahay sa isang tahimik na subdivision sa Manila.

Magke-crave ang mga kakabaihan doon na matikman ang kanilang ice cream.

Paiinitin nina Christy Imperial, Yda Manzano, Jem Milton, Candy Veloso ang summer sa pagganap nila bilang mga kababaihan ng subdivision.

Mahirap palampasin ang ultimate guilty pleasure na ito. Mag-subscribe na sa Vivamax para sa isang malaking serving ng “Dirty Ice Cream.”

AUTHOR PROFILE