Robb Robb Guinto

Robb at Erika nagpapainit para sa pangarap

May 2, 2024 Eugene E. Asis 176 views
Erika
Erika Balagtas

PARANG pinagtagpo ng tadhana ang dalawang female lead stars ng Vivamax offering na “Late Bloomer,” sina Robb Guinto at Erika Balagtas.

Nang tanungin sila kung ano sa palagay nila ang isang bagay o pangyayari sa buhay nila na matatawag silang latebloomers kung gagawin nila ngayon, magkaugnay ito sa isa’t isa.

Sagot ni Robb: “Gusto kong maging flight attendant. Matagal ko nang pangarap ito.”

At ang sagot dito ni Erika: “Ako po, gusto ko talagang maging pilot.”

Maga-apply na sana si Robb bilang FA, pero dumating ang pagkakataon para makapasok siya sa showbiz. Although matagal na siyang nagba-vlog at marami na rin siyang followers sa Youtube at Tiktok, mas lumaki ang kita niya bilang artista. “Breadwinner po ako sa family. Kaya, nung mas lumaki ang kita ko, kahit hindi pa naman po talaga kalakihan, mas binigyan ko na ng priority ang pag-aartista. Mabuti na lang po at hindi naman ako iniwan ng mga follower ko sa Youtube.”

Ganito rin halos ang kapalaran ni Erika. In fact, nag-aaral siya sa isang flying school nang dumating ang tsansa na mag-artista. Aniya, medyo nahihirapan na rin siya sa gastos sa pag-aaral, at gusto niyang makaipon muna bago ipagpatuloy ito. Mas magiging malaki pa ang gastos kapag kailangan na niya mabuo ang flying hours na required sa isang piloto bago makapagpalipad ng eroplano.

Kaya sa ngayon, pinalilipad muna niya ang kanyang acting career at kung may pagkakataon pa, kahit late bloomer ay gusto pa rin niyang matupad ang pangarap na maging piloto.

Samantala, streaming na ngayon ang “Late Bloomer” sa Vivamax kung saan maraming maiinit na eksena sina Robb at Erika kasama ang stud na si Ardy Raymundo sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna Jr., na nagsilbi ring writer at direktor ng ibang Vivamax original movies na “Punit na Langit” at “Katas.”

AUTHOR PROFILE