Default Thumbnail

2 suspek sa rape tiklo

May 17, 2024 Jojo C. Magsombol 84 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Dalawang suspek sa panghahalay ang naaresto ng mga pulis sa Lipa City, Batangas at Gumaca, Quezon noong Huwebes.

Bandang alas-7:11 ng gabi nahuli sa Brgy, 1, Lipa City si alyas Jerico, ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Wanted si Jerico sa kasong rape at natiklo sa pamamagitan ng arrest warrant na ng Fourth Judicial Region, Branch 13 ng Lipa City, Batangas.

Natimbog ang pangalawang suspek na si alyas Luis alas-2:50 ng hapon sa Gumaca district jail sa Brgy. Mulanay, San Narciso Rd. Gumaca, Quezon.

Hinuli siya ng mga pulis ng San Luis Municipal Police Station dahil sa krimeng panggagahasa.

AUTHOR PROFILE