Default Thumbnail

Wanted sa pagpatay, tangkang pumatay huli

May 17, 2024 Alfred P. Dalizon 129 views

DALAWANG pinaghahanap ng mga otoridad ang nalambat ng mga tauhan ng Rizal police sa manhunt noong Martes.

Unang natiklo si alyas Jer, 34, ng Antipolo City, sa bisa ng mga arrest warrants para sa murder at attempted murder, ayon kay Rizal police director Colonel Felipe Maraggun.

Walang inirekomendang pyansa para sa kasong murder ang korte pero pinayagan siyang mag piyansa ng P120,000 para sa kasong attempted murder.

Wanted sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act ang pangalawang nahuli na si alyas Raff, 32.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni alyas Raff na ngayon nakakulong na sa Angono police station.

AUTHOR PROFILE