CHED

P3.744B pondo ng CHED inilabas na ng DBM

May 2, 2024 Chona Yu 212 views

INAPRUBAHAN na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng kabuuang P3.744 bilyon sa Commission on Higher Education (CHED).

Layunin nito na patuloy na mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng Filipino na makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Ayon kay Pangandaman, gagamitin ang pondo sa pagpapatupad ng Tulong Dunong Program ng CHED na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikado at karapat-dapat na mga estudyante na ipinagpapatuloy ang kanilang college degree.

“This scholarship program is a huge help for our dear students, especially those who are having financial difficulty or simply cannot afford to go to college. Providing necessary funds for programs like this gives them a fighting chance to complete their degrees and ultimately give them a better future. As what President Bongbong Marcos said, sa Bagong Pilipinas, dapat ay walang Pilipinong maiiwan,” pahayag ni Pangandaman.

Makikinabang sa halagang inilabas ang may 247,135 student-grantees na naka-enroll sa mga CHED-recognized public at private higher education institutions, upang matulungan sila sa gastos sa tertiary education, para sa ikalawang semestre ng Academic Year (AY) 2023-2024 at unang semestre ng AY 2024-2025.

Ang Tulong Dunong Program ay isa sa mga bahagi ng Universal Access to Quality Tertiary Education – Tertiary Education Subsidy (UAQTE-TES).

AUTHOR PROFILE