Default Thumbnail

Insidente sa Ayungin Shoal iniimbistigahan ng PCG

January 22, 2023 Zaida I. Delos Reyes 251 views

INIIMBESTIGAHAN na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente ng umano’y pagtataboy ng China Coast Guard vessel sa mga Pinoy na nangingisda sa Ayungin shoal kamakailan.

Sa ulat ng PCG, ang insidente ay naganap nitong January 9, 2023 na ipinagbigay alam lamang sa kanila ng mga mangingisda nitong January 20, 2023.

Ayon kay Lito Al-os, kapitan ng fishing boat na KEN-KEN, nangingisda umano sila sa karagatang sakop ng Ayungin Shoal nang paalisin sila ng Chinese Coast Guard vessel 5204.

Nagmaniobra umano ang CCGV 5204 mga 800 yarda ang layo at nag-deploy ng rigid hull inflatable boat (RHIB) at pinapaalis ang bangka ng mga Pinoy.

Nag-iba umano ang posisyon ng FFB KEN-KEN at umalis sa Ayungin Shoal subalit habang nilalayag ang direksyon patungo sa Boxal Reef ay patuloy parin silang pinapaalis ng CCGV 5204.

Ayon sa PCG, pagkatanggap nila ng ulat ay agad silang nagdeploy ng karagdagang barko ng coast guard upang palakasin pa ang pwersa na nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay upang protektahan ang kapakanan at tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy na nagsasagawa ng fishing operation para sa kanilang kabuhayan sa lugar.

Sa ngayon umano ay patuloy din ang pagkuha ng enidensya ang PCG na ipapasa naman nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa posibleng pagsasaampa mg diplomatic action.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu na nanatiling matatag ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng batas para pangalagaan ang kapakanan at protektahan a g exclusive economic zones ng bansa.

“As per the directive of Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Coast Guard Commandant CG Admiral Artemio Abu assured concerned Filipino fishermen that the PCG remains steadfast in its commitment to uphold rules-based approaches in protecting their welfare and securing the country’s exclusive economic zones at all costs,” pahayag ng PCG.