Rufa Larawan: Rufa Mae Quinto/IG

Rufa Mae may mini-me na

January 18, 2024 People's Tonight 113 views

KINAAALIWAN ngayon sa social media ang mini-version ng aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto matapos niyang i-flex sa Instagram ang kanyang adorable daughter.

Sa kanyang IG post, Enero 17, sinabi niyang masaya siya at nahanap na niya ang kanyang “Little Rufa Mae in English version.”

Sinabi pa ni Rufa, na masaya para sa kanyang anak at sa journey niya as a proud mom.

Aniya, “Overwhelmed, overjoyed, overnight, overtime , ang motherhood ko sayo anak, Next month 7 years old ka na . Basta stay nice & kind and you will always be happy. Happy birthday my little one ! Little Rufa Mae in English version.”

Kalakip ng caption ay ang larawan kung saan kabog na kabog at pakak na pakak ang awra ng aktres suot ang hapit at sexy black dress na humulma sa kanyang katawan at malaki niyang melon.

Lovely in Gucci dress naman ang kanyang daughter. Sey naman ng netizens, na natutuwa sila dahil makikita umanong masaya ang bonding ng mag-ina.

AUTHOR PROFILE