Karla1 Larawan: Karla Estrada/IG

Karla Estrada kay Kathryn: ‘Wala sa apelyido ang pambabae!’

January 18, 2024 People's Tonight 156 views

PINAGPIYESTAHAN sa social media ang lumang interbyu ng host-aktres na si Karla Estrada sa programang Kris TV ni Kris Aquino.

Inulan kasi ng batikos ang nasabing interbyu tungkol sa isyung nakabinbin sa apelyidong Padilla na karamihan sa netizens ang nagsasabing likas na babaero ito.

“Kris sinabi ko kay Kath, nandiyan si tita Mel, ‘wag natin isipin na dahil Padilla sya, wala sa apelyido ang pagkababaero o pagkahilig sa babae ang isang lalaki,” pagkukwento ni Karla.

“Lahat sila tumitingin sa babae,” dagdag pa ni Karla.

“Lahat sila tumitingin,” pagsang-ayon naman ni Kris.

“Wala sa apelyido ‘yon,” saad pa ni Karla.

Sey naman ni Kris na nakadepende umano iyon sa desisyon at self-control ng isang tao.

Dagdag pa ng “Magandang Buhay” host na simula pa raw ng pagsikat ni Daniel sa showbiz ay nakatanggap na ito ng batikos dahil sa apelyidong Padilla.

AUTHOR PROFILE