Yasmien

CS life-saving kay Yasmien at sa bagong baby

April 29, 2024 Vinia Vivar 126 views

Nanganak na si Yasmien Kurdi sa kanilang second baby girl ng mister na si Rey Soldevilla. Sa Facebook account ng aktres ngayong araw, April 29, ay nag-upload siya ng tatlong black and white photos kung saan ay makikitang nasa delivery room siya.

Sa isang larawan naman ay makikitang nakapanganak na siya at nakalagay sa kanyang dibdib ang kanyang new-born baby na natatakpan ng blanket ang katawan.

Sa caption ay ikinuwento ni Yasmien na gusto sana niyang maging normal delivery ang panganganak pero masyado itong risky at C-section talaga ang best option.

“I wanted to have VBAC or Normal delivery this time on my 2nd pregnancy. After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 year – not a good indication.

“Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored. We also found out during the procedure that the baby had a cord coil. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC we would have ended up doing CS still,” pahayag ni Yasmien.

Ayon pa sa aktres, life-saving for her and her baby ang CS at nagpasalamat na safe sila ng kanyang baby na nakaraos.

“A #cesarean (C-Section) is a life saving procedure for women like me.. I chose to do whatever it took to get my baby out healthy and safe! I would like to thank my doctors, Dra. Judy Ann Uy De Luna, Dr. Placido, Dr. Marzo and to all the doctors and nurses who assisted during my #CSProcedure 🙏🏻Happy #InternationalCeasareanAwarenessMonth,” sey ni Yasmien.

AUTHOR PROFILE