Ellen

Ellen buntis sa panganay kay Derek?

April 29, 2024 Vinia Vivar 152 views

Pregnant na nga ba si Ellen Adarna sa first baby nila ni Derek Ramsay?

Ito kasi ang laman ng blind-item sa vlog ni Ogie Diaz na bandang huli ay pinangalanan din niya.

“Narinig ko lang naman ‘to ha!” simula ni Ogie.

“Wala namang diperensya kung magbuntis man siya dahil may asawa siya at sobra nilang mahal ang isa’t isa. At wala naman tayong nababalitaan na may na-link sa kanyang iba kasi nga may asawa siya at happily married sila,” patuloy niya.

Sey pa niya, “Katunayan ‘yung lalaki, ‘di ba, ginib-ap na ‘yung career sa showbiz, para mag-concentrate sa kanyang pamilya.”

Binanggit niya rin na may nauna nang anak ang aktor sa dati nitong nakarelasyon at gayundin naman ang aktres.

“Nauna nang may anak si aktor doon sa una niyang dyowa ‘di ba, na binata na ngayon. Meron ding anak si girl sa kanyang boyfriend noong araw na isang aktor, pareho na silang may tig-isang anak.

“Ngayon, buntis daw, ha, narinig ko lang naman, itong napakagandang aktres na huminto rin sa showbiz pero kilalang-kilala pa rin at tumatanggap pa rin naman ng mga endorsement,” sabi pa ni Mama Ogs.

“Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?” aniya.

If true ay nakakatuwa naman daw dahil matagal na itong hinihintay ng mag-asawa.

Matatandaan na ni-reveal ni Derek last year na nagkaroon ng miscarriage si Ellen pero hindi sila nawawalan ng pag-asa at goal nila na makabuo this 2024.

If true nga na nagdadalang-tao na ang dating aktres, for sure ay masayang-masaya ang mag-asawa dahil natupad na ang kanilang pangarap.

Well, abangan na lang natin ang kanilang pahayag kung totoo ba o hindi ang tsikang ito.

AUTHOR PROFILE