Fran1

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 30, 2024 People's Tonight 92 views

FranFranFran3Fran4KUNG ganda at kaseksihan ang pagbabasehan para kilalanin ang TikTok star na si Francielle Cruz, hindi mo aakalain na makulay ang kaya niyang ihain na personality bilang digital creator.

Ilang taon na ring namamayagpag ang ngalan ni Francielle sa nasabing social media platform. Sa account niyang @franciellecruzz na may mahigit dalawang milyong followers na, matutunghayan ang flavorful na social media star.

Mula sa kanyang mga lip syncing videos, todo-bigay na pagsayaw, maging ang kanyang lifestyle, hanggang sa mga nakakaaliw niyang content, ang nagsilbing ebidensya para marating ni Francielle ang pagiging ganap na TikTok star.

Kahit na gumawa man siya ng panibagong account na may username na @franciellecruzzz, kering-kering sundan ng kanyang mga tagasuporta ang yapak ng content creator. Sa ngayon nga ay may halos 230K na ang followers nito.

Sa Instagram din ay hindi pahuhuli ang ating TikTok star ngayon, sa mahigit 250K followers sa account niyang @franciellecruzzz, kaabang-abang ang pasabog na mga larawan ni Francielle. Petmalu kung ibandera niya ang kanyang kaseksihan at kagandahan sa kanila. Winner din sa mga brand partners ang digital creator na mababakas sa mga post nito.

AUTHOR PROFILE