Guardian

Marian hinikayat ang mga kabataan na magbasa

April 30, 2024 Ian F. Fariñas 81 views

Naki-join sa saya ang My Guardian Alien lead stars na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Gabby Concepcion at Raphael Landicho sa Philippine Book Festival sa World Trade Center matapos officially i-launch noong April 26 ang much-awaited children’s book version ng GMA Prime drama na My Guardian Alien.

Ang storybook ng serye ay pinamagatang Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien na tungkol sa istorya ng magandang pagkakaibigan ng isang bata at ng isang alien na nais makarating sa Earth at makipaglaro sa kanya.

Sa pamamagitan ng children’s book na ito, nais hikayatin ni Marian ang mga kabataan na mahilig sa pagbabasa ng libro.

Ayon sa kanya, ito rin ay isang magandang bonding para sa pamilya.

Dahil dito, nag-donate rin ang Kapuso stars ng mga kopya ng storybook sa Nook Book project ng National Book Development Board of the Philippines.

Available na ang highly-anticipated children’s book na Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien sa GMA Store, Shopee at Lazada.

Abangan din ang mga exciting at out-of-this-world na mga kaganapan sa mga susunod na episode ng My Guardian Alien, weeknights, 8:50, sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE