Osang

OSANG, NAKITA NA ANG ‘JUNJUN’ NI JOSEPH

January 18, 2024 Vinia Vivar 191 views

JosephIbinuking ni Rosanna Roces na nakita na niya ang “junjun” ng co-star niya sa Pira-Pirasong Paraiso na si Joseph Marco.

Isa-isang inilarawan ni Osang ang kanyang mga batang co-star na sina Joseph, KD Estrada, Elisse Joson, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Pagdating kay Joseph, aniya, matagal na niyang kasama ang aktor mula pa sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Siyempre, si Joseph Marco, ang tagal naming magkasama niyan sa Probinsyano. As in, naging parang magkapatid na kami do’n, ‘no?” simula ni Osang.

“Pati ‘ano’ niyan nakita ko na,” rebelasyon ng aktres sabay-tawa.

Dagdag pa niya, “Ipinakikita naman kasi nila sa ‘kin, eh tinitingnan ko naman siyempre, ‘di ba? Pero walang malisya ‘yun, siyempre. Mahal ko ‘yan, si Joseph.”

Tawa naman nang tawa si Joseph habang ikinukuwento ito ni Osang.

Nang mahingan ng reaksyon ang aktor, aniya, “I love working with Miss O, you know. Sobrang maasikaso siya especially kapag naging ka-close mo siya and specially kapag nagustuhan ka talaga niya.”

Paglalarawan pa ni Joseph kay Osang, “Kasi ano ‘yan, eh, black and white ‘yan, eh. If ayaw ka niya, ayaw ka niya. If gusto ka niya, gusto ka niya talaga.”

‘Kaaliw din ang kwento ng aktres tungkol kay KD na kapag umiihi ang ka-loveteam na si Alexa ay lagi itong nakabantay sa labas ng pintuan.

Pinuri kasi niya ang sobrang pagka-gentleman ni KD at pagbubuking niya, “’Pag umiihi nga si Alexa, nakabantay ‘yan sa pintuan. Totoo!”

Paliwanag pa niya, “Kasi, sira ‘yung lock (ng pintuan), so siya ‘yung nagbabantay.”

Samantala, magtatapos na ang Pira-Piraisong Paraiso sa Jan. 27.

Napapanood ito at 2 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC.

AUTHOR PROFILE