Joey

PEPE PERFECT SA ‘BANTAY BAHAY’

April 29, 2024 Jun Nardo 65 views

AMINADO si Direk Joey Javier Reyes na mahirap ang responsibilidad niya bilang bagong talagang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

“Eh, nagsabi sa akin kasi si Pipo (Tirso Cruz III). Gusto niyang matapos ang sinimulan niya sa FDCP. Kahit hirap, maganda pa rin ako at makinis ang kutis! Hahaha!” aniya via Zoom.

Nasabi ito ni Direk Joey sa mediacon sa ginawang Regal movie na Bantay Bahay. Si Pepe Herrera ang bida niya at ayon sa premayadong director, “Perfect siya sa role. Ang husay niya! It’s an honor to direct him.”

First time ni Direk Joey na idirek si Pepe. Grateful naman ang aktor sa direktor niya na talagang hindi sila pinupuyat.

Mapapanood sa mga sinehan ang Bantay Bahay simula bukas, Mayo 1.

AUTHOR PROFILE