Guess

Male celebrity nagparetoke ng bibig sa Thailand

April 29, 2024 Jun Nardo 95 views

NAGBAKASYON sa Thailand ang dalawang entertainment writers. Nakatihan nilang pasyalan ang area kung saan nagpaparetoke ng mukha at iba pang parte ng katawan ang mga pumapasyal doon.

Sa kakausyoso ng dalawa, may biglang lumabas na bading na celebrity na may trademark na isinsuot sa guesting niya sa TV.

Kilala ng dalawa si male celeb dahil sa suot niya dahil signature look niya ang ganoon.

Eh, kilala rin sila ng celeb kaya bigla itong kumambyo sa paglalakad at tumalikod sa kanila.

Nalaman nila nang magtanong sa pinasukang place ng celeb kung ano ang ipinagawa nito.

May ipinaayos pala siya sa parte ng kanyang bibig.

Sabi ng isang writer, “Naku, bibig lang pala. As if big deal!”

Nang umikot muli ang dalawa, nakita uli nila si male celeb. Nagtago na naman ito sa kanila, pero hindi na siya pinansin ng dalawa.

Naku, kung organ transplant ang ginawa niya, malaking balita ito sa atin, huh!

AUTHOR PROFILE