Sharon

SHARON MAMAMAALAM SA SHOWBIZ?

April 29, 2024 Vinia Vivar 71 views

Ikinalungkot ng maraming fans ang bagong post ni Sharon Cuneta sa Instagram. Sa pahayag kasi niya ay parang namamaalam na siya sa showbiz.

Ayon sa Megastar, sobrang nag-i-enjoy siya sa kanyang private life at binanggit na kung aalis siya sa showbiz ay magiging tahimik lamang ito’t hindi na niya kailangan pang mag-concert.

“I am very much enjoying my private life… When I leave, I won’t need a big concert or any bells and whistles to say goodbye… I will do it quietly, and I will bring all the love you have given me for over four and a half decades, and I will leave you mine…,” pahayag ni Sharon.

“I am so thankful for all you have given me. I love you all very much,” pagtatapos pa niya.

Nag-overthink na ang maraming netizens na baka plano nang umalis ni Mega sa showbiz world kaya ganito na ang kanyang mga salita.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Na sad ako bigla huwag muna please ate @reallysharoncuneta d pa po ako ready happy for the peace you’re enjoying though.I love you so much!Ngayon pa lang sobra na kitang namimiss.”

“Oh no mama @reallysharoncuneta plss wag mona di pa kita nakikita sa personal but it’s okay either my love for you will never change… mahal kita my megastar.”

“This makes me sad. Am over 65 and i cant imagine my remsining years not hearing or seeing you..”

“I can’t imagine Philippine showbusiness without a Sharon Cuneta”

Pero ang iba, nagsabing susuportahan nila kung anuman ang desisyon ni Mega dahil deserve nito ang mamahinga at mag-enjoy sa buhay.

AUTHOR PROFILE