Phivolcs Source: Screen grab from Phivolcs video

Taal Volcano nag aalburoto na naman

April 29, 2024 Zaida I. Delos Reyes 63 views

NAGA-alburuto na naman ang Bulkang Taal matapos na makapagtala ng dalawang minutong phreatic eruption noong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nangyayari ang phreatic eruption kapag pinainit ng magma, lava, mga bato at mga bagong deposito ng bulkan.

Nagkaroon din ng bahagyang pagsingaw ng makapal na usok na umabot sa 600 metro ang taas mula sa hilaga, hilagang-kanluran ng bulkan noong Lunes.

Mula 12:00 ng hatinggabi ng Linggo hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Lunes, nagkaroon ng limang volcanic earthquake at dalawa sa mga ito ang nagtagal ng tatlong minuto.

Umabot din sa 3,383 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan noong Abril 25.

Sunod-sunod ang naitalang phreatic eruption mula sa bulkan at nananatili sa alert level 1 na nangangahulugang mayroon itong abnormal condition.