posas

Impostor na parak nang-arbor ng rider na bebot, arestado

April 29, 2024 Jojo C. Magsombol 82 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Hinuli ng mga tunay na pulis ang impostor na parak na umepal para arburin ang nahuling bebot na rider sa checkpoint sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Nagpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) si alyas Johnny.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant (PEMS) June Evangelista alas-9:15 ng gabi nang i-flag down ang rider sakay ng pulang Honda Click (111 QQI) na minamaneho ng isang babae

Walang maipakitang driver license kaya inisyuhan ng citation ticket ang rider.

Doon na dumating si alyas Johnny naka-itim na jacket na may logo ng PNP at bumaba sa Mitsubishi Mirage (NCS 9443) at lumapit sa mga pulis para arburin ang bebot at hiniling na i-waive ang ticket sa driver ng motorsiklo.

Sa beripikasyon, walang maipakitang anumang ID o dokumento na magpapatunay na pulis siya kaya imbes na maarbor ang bebot, nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang impostor na si alyas Johhny.

AUTHOR PROFILE