Martirez

Tsino dinukot, iniwang duguan sa Pansol highway, naisalba

May 15, 2024 Gil Aman 73 views

NAILIGTAS ang tinatayang 40- 42 anyos na Tsino na hinihinalang dinukot ng dalawa katao saka iniwang duguan sa national highway sa Bgy. Pansol, Calamba City, Laguna, Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Calamba City police, natagpuan ang biktima na hindi nakuha ang pangalan. Dahil sa hindi makapagsalita ng Tagalog, tanging City of Dreams lamang ang kanyang naibigay na impormasyon.

Ayon sa ilang residente, ang biktima ay natagpuang duguan dakong 10:46 p.m. at ang insidente ay ipinagbigay-alam agad sa himpilan ng pulisya sa pamumuno ni P/Lt.Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba police .

Ayon Kay P/Lt. Martirez, matapos makapagbigay ng ilang detalye ang biktima hinggil sa ginawang pagdukot sa kanya ay agad nila itong ipinagbigay sa Parañaque police para sa kaukulang imbestigasyon.

Dagdag umano ng biktima na isang Pilipino at Chinese ang hinihinalang dumukot sa kanya at isinakay sa hindi mabatid na sasakyan dahil may piring ang kanyang mata.

AUTHOR PROFILE