Bloomer

Summer mas paiinitin ng ‘Late Bloomer’ at ‘Dirty Ice Cream’ sa Vivamax

April 29, 2024 Ian F. Fariñas 177 views

DirtyHindi na mapipigilan ang Vivamax na mas painitin pa ang summer sa dalawa nitong nag-aapoy na pelikula: Ang Late Bloomer at Dirty Ice Cream.

Matinding emosyon ang magbubunga sa dalawang babaeng nasa pagitan ng pagkakaibigan at pag-ibig sa Late Bloomer na streaming na ngayong April 30.

Ang Late Bloomer ay tungkol kay Therese dela Cruz (Robb Guinto), isang maganda at mabait na production staff na nagtatrabaho sa Shoot Me Creative Studio.

Magbabago ang kanyang buhay dahil mada-diagnose siya ng Myelodysplastic Syndrome (MDS), isang uri ng terminal cancer.

Determinado si Therese na lubusin ang bawat sandali ng natitirang panahon, kaya nanaisin niyang makipag-date at makipagtalik sa iba’t ibang tao.

Dahil dito, hihingi siya ng tulong sa kanyang best friend na si Maddie Reyes (Erika Balagtas).

Sa gitna ng sexual flings ni Therese, mapagtatanto niya na gusto niya ng mas malalim na relasyon. Sasabihin niya ito kay Maddie, na magiging daan para mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan.

Mauuwi ito sa isang halik. Pero sa gitna ng posibilidad na i-explore ang isang romantic relationship, magpo-propose ng kasal ang boyfriend ni Maddie na si Arthur (Ardy Raymundo).

Tatanggapin ito ni Maddie kahit na masaya siya kapag kasama niya si Therese.

Isang lumipas na sandali nga lang ba ang halik nina Therese at Maddie, o mahahanap nila ang lakas ng loob na harapin ang nararamdaman para sa isa’t isa?

Ang Late Bloomer ay mula sa direksyon ni Rodante Pajemna Jr., na nagsilbi ring writer at direktor ng iba pang Vivamax original movies na Punit na Langit at Katas.

Samantala, dalawang hot na sorbetero naman ang magpapabilis sa tibok ng mga puso sa isang mainit at magulong summer sa Dirty Ice Cream, isang sexy heist movie mula sa direksyon ni Mervyn Brondial. Streaming ito sa Vivamax simula May 10.

Ginagampanan nina Ghion Espinosa at Seonwoo Kim ang papel ng mga sexy sorbetero na sina Junebert at Monch, na magiging “objects of desire” ng mga kasambahay at maybahay sa isang tahimik na subdivision sa Manila.

Nagke-crave ang mga kakabaihan doon na matikman ang kanilang ice cream… at higit pa.

Sa pinakamainit na araw, magkakaroon ng blackout sa subdivision. Darating sina Junebert at Monch dala ang kanilang sorbetes. Kukunin ng mga kababaihan ang pagkakataong ito upang magsalitan na gamitin sina Junebert at Monch para sa kanilang mga lihim na pantasya.

Pagbibigyan naman sila ng dalawa.

Hindi alam ng mga babae na isang kakaibang “treat” ang naghihintay sa kanila. At sa pagkakataong ito, hindi ito tulad ng kanilang inaasahan.

Habang walang kuryente at ang mga asawa nila, nanakawin nina Junebert at Monch hindi lang ang kanilang mga puso kundi pati na rin ang kanilang mga ari-arian.

Paiinitin nina Christy Imperial, Yda Manzano, Jem Milton at Candy Veloso ang summer sa pagganap nila bilang mga kababaihan ng subdivision.

Huwag palampasin ang ultimate guilty pleasure na Dirty Ice Cream.

AUTHOR PROFILE