Dongyan

DongYan movie, kinabog ang record nina Kathryn at Alden

January 18, 2024 Ian F. Fariñas 116 views

Ang pelikulang Rewind na ang may hawak ng record ng highest-grossing Filipino film of all time in terms of Philippine domestic box-office sale.

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa ilalim ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), APT Entertainment at Agosto Dos.

Isa ito sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2023.

As of Jan. 17, ang local ticket sales ng Rewind ay umabot na sa P815 million. Tinalo na nito ang pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019) na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kumita ng P691 million sa local ticket sales.

Ipinost naman ng ABS-CBN Film Productions sa Facebook na as of Jan. 17, ang worldwide gross ng Rewind ay P845 million na at malapit na ring malampasan ang P880M total worldwide gross ng Hello, Love, Goodbye.

AUTHOR PROFILE