Loisa

LOINIE, MAGHIHIWALAY

January 18, 2024 Vinia Vivar 121 views

RonnieKapag nagkataon, baka hindi muna natin mapanood sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte sa isang project pagkatapos ng Pira-Pirasong Paraiso.

Sa finale mediacon ng nasabing teleserye nitong Wednesday, sinabi ni Loisa na ang gusto sana niya ay maghiwalay muna sila ng proyekto ng off and onscreen partner.

“Ngayon sa serye, siguro mas gusto ko magkaiba naman po muna. Kanya-kanya mag-grow muna. Seven years na kami loveteam. Gusto ko grow din siya as an actor,” sabi ni Loisa.

Sumang-ayon naman si Ronnie sa sinabi ng GF. At ang gusto sana niya ay ma-fulfill na ang dream niya na maging action star.

“Gusto ko talaga mag-action. Ito (Pira-Pirasong Paraiso) ang naging training ko. Tama si Lois, napag-usapan namin, kapag may magandang offer, pwede ka magsolo at humiwalay muna,” sey ng aktor.

Thankful din si Ronnie na nagkaroon siya ng mga action scene sa Pira-Pirasong Paraiso na talagang na-enjoy niya.

“’Yung role na makipagsapakan, barilan. Kaya salamat sa Dreamscape dahil nagawa ko siya rito kahit paano,” saad ni Ronnie.

Nang matanong kung sino ang gusto niyang makapareha sakaling hindi muna sila pagsamahin ni Loisa, ayon kay Ronnie, okay siya sa kahit sinong ibigay sa kanya.

Kahit nga BL (boy’s love) series, game siya.

“Ako, hindi ako namimili kung sino ang ibibigay nila or isasama sa akin, whether girl or ensemble. BL, kasama ko pa si KD Estrada at Joseph Marco (co-stars sa Pira-Pirasong Paraiso),” ang natatawang sabi ni Ronnie.

Samantala, sa Jan. 27 na ang finale episode ng serye na pinagbibidahan din nina Charlie Dizon, Elisse Joson at Alexa Ilacad.

Sa last six episodes, nanganganib ang matagal nang pinapangarap na hiling ng Paraiso sisters na mabuo muli ang kanilang pamilya dahil mas pinalakas pa ni Criselda (Rosanna Roces) ang kanyang pwersa kasama sina Jacinda, Badong at Hilary (Snooky Serna, Epy Quizon at Elisse), upang maghiganti at pabagsakin sina Amy, Beth at Diana (Loisa, Alexa and Charlie).

Dahil sa malaking dagok sa kanilang buhay, magkaroon pa kaya ng happy ending ang love story sa relasyon ng sweethearts na sina Amy at Jonaf (Ronnie), ang mag-ex na muling nagkabalikan na sina Diana at Vlad (Joseph), at ang engaged couple na sina Beth at Elon (KD)?

AUTHOR PROFILE