Default Thumbnail

Lola, 65, ‘ginasa’, pinatay ng 16-anyos sa Laguna!

April 29, 2024 Gil Aman 302 views

WALANG saplot habang nakataas ang damit pangitaas ng 65-anyos na lola nang matagpuan ang bangkay nito sa isang taniman ng saging sa Bulaluhan, Purok 5, Bgy. San Marcos, San Pablo City, araw ng Linggo.

Kinilala ni PLt. Col. Wilhelmino Saldivar Jr., hepe ng San Pablo City police, ang biktima na si Nenita, residente ng Bgy. Sta Maria Magdalena.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay pinaniniwalaang ginahasa. Ang bangkay nito ay nadiskubre 6 p.m. sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa pulisya ang hinihinalang suspek ay isang 16-anyos na menor de edad na residente ng Bgy. San Marcos sa nasabing lungsod.

Ang suspek ay naraesto sa ginawang follow-up operation ng pulisya sa tulong ng mga barangay officials.

Ayon sa imbestigasyon ng San Pablo police ang suspek ay dumating umano sa kinaroroonan ng biktima na lango sa alak matapos makipag-inuman sa kalapit na barangay.

Hinala ng pulisya na napagtripan ang matandang biktima at pinatay muna sa sakal bago pinagsamantalahan.

Ang pinangyarihan ng krimen ayon sa pulisya na taniman ng niyog at saging .

Isang saksi na kasalukuyang nasa barracks ang nakarinig ito ng ingay kung saan agad nitong ipinagbigay alam agad itosa isang security guard at opisyal ng barangay.

Dahil sa menor de edad ang suspek ay dadalhin muna sa pamunuan ng DSWD ang suspek.

AUTHOR PROFILE