Bangin

Jeep swak sa bangin; 43 sugatan

April 29, 2024 Zaida I. Delos Reyes 85 views

AABOT sa 43 katao ang nasugatan matapos na bumaliktad at mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa Cagayan Valley noong Linggo.

Batay sa ulat ng Philippine National Police, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa Brgy. San Roque, Enrile, Cagayan.

Pauwi na ang mga biktima mula sa kasalan sa Ilagan City, Isabela ng maganap ang aksidente.

Sa inisyal na ulat, overloaded ang jeepney at nawalan ng preno kaya’t bumaliktad at nahulog sa bangin sa gilid ng kalsada.

Dinala sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City, Cagayan ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.