Karla

Mansyon ni Daniel, for sale sa halagang P50M

January 18, 2024 Vinia Vivar 90 views

Matapos mabenta ang kanyang Chevrolet Corvette sports car, for sale rin ang bonggang mansyon ni Daniel Padilla sa Quezon City.

Noong December pa pala naka-post sa isang online real estate marketplace ang bahay ni Daniel na for sale sa tumataginting na P50 million.

Makikita sa listing ang mga larawan ng bahay ni DJ at sa deskripsyon na nakalagay, ito ay two-storey with a lot area of 500 sqm, has six bedrooms, six bathrooms and five-six car carage.

Ang nasabing property ang kauna-unahang bahay na naipundar ng aktor para sa kanyang pamilya at regalo niya rin sa kanyang inang si Karla Estrada. Kaya naman ang ibang netizens ay nanghihinayang na ibinebenta na ito ni DJ.

Dito rin sa bahay na ito kasalukuyang nakatira si DJ at ang kanyang buong pamilya.

Marami tuloy ang nagtatanong kung saan na sila titira kapag nabenta ito.

Kamakailan ay nabenta na rin ni Daniel ang Chevrolet Corvette Stingray C7, ang una niyang sports car. Ang asking price naman nito ay P6.5 million at isang buyer mula Angeles, Pampanga ang nakabili nito.

AUTHOR PROFILE