Toni Larawan mula sa IG/@tonifowlerpo

Bagong wetpu ni Toni pinag-uusapan

January 18, 2024 People's Tonight 118 views

PUMAYAT man o tumaba, mananatili raw na hugis bote ng ‘Coca-Cola’ ang katawan ng social media personality at ‘Batang Quiapo’ actress na si Toni Fowler.

Sa isang Instagram post ng vlogger-actress, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan makikita ang hugis ng kanyang katawan.

Tila katatapos lamang magpa-enhance ni Toni ng kanyang katawan kaya’t proud na proud siyang nagpasalamat sa plastic surgeon na si Dr. Eric Yapjuangco.

“Pumayat man o tumaba coca cola body padin labyu poreber @docyappy,” sey ng ‘Batang Quiapo’ actress.

Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng netizens sa pagbabandera niya ng kanyang ‘Coca-Cola’ body.

“Sorry di sya bagay yung laki ng pwet mo sa hulma ng katawan mo at height mo. Sobrang laki nagmukhang botched. Konte lang sana dinagdag.”

“Sorry pero this isn’t coca cola tho. Something’s off about it.

“Sobrang ganda mo pero yung pwet sobrang laki po pwede paba yan mabawasan? But i love u po ha.”

“Mommy oni nakalimutan mo po ata tanggalin diaper mo.”

“Parang naka diaper ka lang po.”

AUTHOR PROFILE